2 patay sa pagsabog sa pabrika ng paputok sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Nov 23 2016 11:37 AM | Updated as of Nov 23 2016 11:49 AM

Dalawang katao ang naiulat na nasawi sa naganap na pagsabog sa pabrika ng paputok Miyerkules ng umaga sa Bulacan.

Nakilala ang mga nasawi na sina Ashley Mayo, dalawang taong gulang, at kapatid nitong si Rylee Mayo, limang taong gulang, ayon kay Bulacan Fire Senior Inspector Carlos Estipular.

 

Una nang naiulat na apat na katao ang nasugatan sa naganap na pagsabog sa pagawaan ng AA Fireworks na matatagpuan sa Sitio Bangka-bangka sa Sta. Maria Miyerkules ng umaga.

Ayon pa sa Bulacan police, paso na noon pang Hunyo 14, 2016 ang lisensiya ng sumabog na pabrika.

Patuloy na iniimbistigahan ng awtoridad ang insidente. Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.