Lalaki, patay matapos saksakin ng katrabaho sa Fairview | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaki, patay matapos saksakin ng katrabaho sa Fairview

Lalaki, patay matapos saksakin ng katrabaho sa Fairview

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ng QCPD CIDU
Kuha ng QCPD CIDU

Patay ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang katrabaho sa Brgy. Greater Fairview, Quezon City noong Lunes ng gabi.

Ayon sa QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, sa loob mismo ng barracks ng pinagtatrabahuang carwash shop pinatay ang trenta'y dos anyos na biktima.

Dagdag ng pulisya, parehong nagta-trabaho sa carwash ang suspek at biktima.

Nagtamo ng saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan ang biktima.

ADVERTISEMENT

Agad naaresto sa follow-up operation ng PNP ang bente kwatro anyos na suspek noong Martes ng hapon.

Nakuha rin sa pinangyarihan ng krimen ang isang kitchen knife na ginamit ng suspek.

Lumitaw sa paunang imbestigasyon ng pulisya na dati nang may alitan ang suspek at ang biktima.

Nakainom naman anila ang suspek nang gawin ang krimen.

Nasa kustodiya ngayon ng CIDU ang suspek na mahaharap sa reklamong murder.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.