PANOORIN: Lalaki kinagat ng buwaya sa resort zoo sa Cagayan de Oro | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PANOORIN: Lalaki kinagat ng buwaya sa resort zoo sa Cagayan de Oro

ABS-CBN News
Published Nov 22, 2021 07:00 PM PHT

Kuha ng Fritce TV
Isang 68-anyos na lalaki ang nasugatan at nabalian ng buto matapos makagat ng buwaya sa zoo ng isang resort sa Cagayan de Oro.

Nagpapa-picture umano ang biktima na si Nehemias Chipada kasama ang kaniyang pamilya sa mga estatwa sa isang pond sa Amaya View nang bigla itong sakmalin ng buwaya.

Kinagat ng 12-talampakan na buwaya si Chipada sa braso hanggang swerteng nakawala ang lalaki at nakatakbo habang duguan. May nakuhang ngipin ng buwaya sa kanyang braso.

Ayon sa anak niya na si MJ, nagpadala ng tulong pinansyal ang management para sa pagpagamot ng kaniyang ama.
Ayon sa anak niya na si MJ, nagpadala ng tulong pinansyal ang management para sa pagpagamot ng kaniyang ama.
ADVERTISEMENT
Birthday umano ng biktima at namasyal sila sa resort noong Nob. 10.

Sa statement ng Amaya View sa kanilang Facebook page nitong Lunes, sinabi nilang handa din silang panagutan ang lahat ng medical bills nito hanggang maka-recover.

Kinondena nito ang naglabasan na false information sa social media tungkol sa insidente at umapela sa publiko na huwag magpost ng mga nakakasama laban sa biktima at ang kaniyang pamilya.

Iginiit din ng Amaya View na responsibilidad nila ang kaligtasan ng kanilang lahat na mga bisita.

— Ulat ni PJ dela Pena
KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT