Buwaya nakita malapit sa beach sa Balabac, Palawan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Buwaya nakita malapit sa beach sa Balabac, Palawan

ABS-CBN News
Published Apr 26, 2021 12:20 AM PHT

Video courtesy: Willie Olorga, Alpha News Philippines
BALABAC, Palawan - Namataan ang tinatayang nasa higit isang dipa na buwaya sa isla ng Bancalaan, Balabac, Palawan, pasado alas kuwatro ng hapon, Abril 24.

Ayon sa post ni Willie Olorga sa Facebook, nagulat at natakot umano siya nang makita ang buwaya dahil ito ang unang beses na mayroong napadpad na buwaya sa kanilang lugar.

"Baka naligaw lang po 'yun gawa ng masamang panahon," ayon kay Olorga.

Nagpa-ikot-ikot pa umano ang buwaya sa dagat hanggang sa magdilim na at nawala lamang umano ito kinabukasan na ng umaga.

ADVERTISEMENT
Madalas din umanong naliligo sa naturang dagat ang mga residente lalo na ang mga bata kaya't pinaalalahanan na lamang muna ito ng mga nakatatanda.

"Dobleng ingat po at balaan ang mga naliligo lalo na po 'yung mga bata at hangga't maaari 'wag saktan [ang makikitang buwaya].” ayon kay Olorga.

- Ulat ni Rex Ruta, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT