ROAD RAGE: Lalaking nanapak, nanadyak sa taxi driver, tukoy na | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ROAD RAGE: Lalaking nanapak, nanadyak sa taxi driver, tukoy na

ABS-CBN News
Published Nov 22, 2018 05:04 PM PHT
|
Updated Nov 22, 2018 08:30 PM PHT

Kilala na ang lalaking motoristang nakuhanan sa viral video na nanapak at nanadyak sa matandang taxi driver, sabi ng pulisya ngayong Huwebes.

Matapos makakalap ng inisyal na impormasyon, ipinakita ng Manila police sa taxi driver na si Raymond Madrigal at sa babaeng kumuha ng video ang retrato ng isang lalaki, na positibo nilang itinuro bilang ang salarin.

Kinilala ng Manila police ang inirereklamong lalaki bilang si Alquin Tadeo Celi, isang Grab driver.

Isa umanong concerned citizen ang nag-ulat sa pulisya ukol sa pagkakakilanlan ng lalaki, ayon kay Chief Inspector Val Valencia ng Manila police.

ADVERTISEMENT
Sa viral video na kuha noong Linggo, mapapanood ang paglusob, pananapak at pananadyak ng lalaki sa 60 anyos na taxi driver sa may Abad Santos, Maynila.

Ito ay matapos umanong makagitgitan ng taxi ni Madrigal ang kotseng minamaneho ng lalaki.

Hawak din ng Manila police ang kopya ng CCTV sa lugar kung saan mapapanood ang gitgitan ng dalawang sasakyan at pagsugod ng motorista kay Madrigal.

Nagsampa si Madrigal noong Miyerkoles ng kasong slight physical injury laban sa lalaki.

Hiniling naman ng Senior Citizen party-list ng Kamara sa Land Transportation Office na suspendehin ang lisensiya ng lalaking nanakit kay Madrigal.

Inaalam naman ng Grab Philippines kung aktibo ang driver sa kanilang platform nang mangyari ang insidente. --Ulat nina Zyann Ambrosio at Zandro Ochona, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
road rage
Manila
viral
Tondo
Maynila
Manila Police District
taxi driver
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT