HULI SA VIDEO: Taxi driver tinadyakan ng nakagitgitang motorista | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
HULI SA VIDEO: Taxi driver tinadyakan ng nakagitgitang motorista

ABS-CBN News
Published Nov 20, 2018 07:58 PM PHT

Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District (MPD) ang insidente ng gitgitan sa pagitan ng isang kotse at taxi sa Tondo district na nauwi sa away ng mga motorista.

Sa isang viral video na kinuhanan noong Linggo, mapapanood ang paglusob at pambubugbog ng isang lalaki sa taxi driver sa Abad Santos sa Tondo.

Kuwento ng ilang testigo at nag-post ng video, nagsimula ang iringan ng dalawang motorista nang magkagitgitan ang taxi at itim na sasakyan sa may Bulacan Street.

Dahil ayaw magbigayan, uminit umano ang ulo ng driver ng kotse kaya sinugod, sinapak, at tinadyakan niya ang taxi driver.

ADVERTISEMENT
"Naawa po ako kasi senior citizen po pala 'yong driver noong taxi," sabi ni "Jenny," ang nag-video ng insidente.

Nanawagan din ang MPD, sa pamamagitan ng kanilang District Traffic Enforcement Unit, sa driver ng taxi na lumapit sa kanila para magbigay ng pahayag at malaman kung sino ang nagsimula ng gitgitan.

"Kung kailangan niya ng tulong, pumunta lang at dumulog [siya] sa Manila District Traffic Enforcement Unit," ani Chief Inspector Alejandro Pelias, hepe ng District Traffic Enforcement Unit.

Nagpaalala si Alejandro sa mga motorista na walang patutunguhan ang init ng ulo kapag nagmamaneho at puwede pa raw itong magdulot ng aksidente o gulo.

--Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT