93 Chinese, 11 Pinoy huli sa illegal online gambling sa Pasig | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
93 Chinese, 11 Pinoy huli sa illegal online gambling sa Pasig

ABS-CBN News
Published Nov 22, 2018 06:29 PM PHT
|
Updated Dec 22, 2019 03:39 PM PHT

Sinalakay ng pulisya ngayong Huwebes ang isang gusali sa Pasig City kung saan nahuli ang 104 tao dahil sa pagpapatakbo umano ng ilegal na online gambling o sugal.

Sa kabuuang 104 na nahuli sa operasyon, 93 rito ay mga Chinese habang 11 naman ay Pinoy.

Bitbit ang search warrant, sinalakay ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Special Operations Unit, Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group at Special Weapons and Tactics (SWAT) ang ikalawang palapag ng gusali sa may Julia Vargas Avenue sa Pasig bandang ala-1 ng hapon.

Ayon kay NCRPO chief Director Guillermo Eleazar, walang kaukulang lisensiya mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang operasyon ng pasugalan kaya ilegal ito.

ADVERTISEMENT
Tumangging humarap sa media ang manager ng FinAsia Tech Incorporated, na sinasabing umupa sa ikalawang palapag ng gusali.

Pero ayon sa kaniya, pinaupahan lang din nila ang palapag at hindi umano nila alam na sugal ang ino-operate doon.

Kinumpiska ang mga computer, cellphone at iba pang gadgets na isasailalim din sa imbestigasyon.

Dadalhin sa Camp Bagong Diwa, ang punong-tanggapan ng NCRPO, sa Taguig ang mga suspek kung saan sila sasampahan ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Makikipag-ugnayan naman ang NCRPO sa Bureau of Immigration at embahada ng China para malaman kung may working permit ang mga naarestong Chinese.

Samantala, iniimbestigahan naman ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Bureau of Immigration (BI) ang dalawang sumbong na may mga Chinese na umano ay ilegal na nagtatrabaho sa isang construction site at restoran dito sa bansa.

Kabilang ang electrician, welder at cashier sa mga trabahong ginagampanan ng mga inirereklamong Chinese.

Binibigyan lamang ang mga banyagang manggagawa ng work permit para sa mga trabahong hindi kayang gampanan ng mga Pilipino, ayon sa DOLE.

Hindi kasama umano roon ang mga trabaho sa construction at iba pang trabaho tulad ng pagiging cashier.

"Doon sa mga proyekto na nandyan dahil paunlad ang ating bansa, kung hindi rin naman mapupunta sa Pilipino or hindi rin naman magha-hire ng Filipino employees, walang silbi," sabi ni alyas "Brian," ang nagreklamo sa construction site.

"Karamihan naman sa ating Pilipino kaya naman 'yong ginagawa ng Chinese," sabi naman ni alyas "Joel," ang nagreklamo sa restoran.

Ayon naman kay Immigration spokesperson Dana Sandoval, puwedeng magtrabaho ang mga dayuhan sa bansa basta sumunod sa batas.

"Pero kung ganitong mga illegal aliens na ito po ay hindi nagbabayad ng taxes, hindi kumukuha ng proper visa, blatantly dini-disregard ang batas ng Pilipinas, hindi po yan welcome," ani Sandoval.

Sa 115,652 long-term work permits sa mga dayuhan na inilabas ng mula 2015 hanggang 2017, 51,980 o 45 porsiyento rito ay ibinigay sa mga Chinese, ayon sa DOLE.

Sa 119,814 short-term work permits naman na ibinigay ng BI mula 2015 hanggang 2017, 78,185 o 65 porsiyento ang ibinigay sa mga Chinese.

Base pa sa datos ng BI, tumaas din ang bilang ng mga Chinese na naaresto sa bansa.

Mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, nasa 304 Chinese na ang naaresto, mas mataas sa 37 na nahuli noong kabuuan ng 2017.

Inamin naman ng BI na wala pa silang kumpletong datos sa dami ng ilegal na dayuhang manggagawa sa bansa.

--Ulat nina Jerome Lantin at Kristine Sabillo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
krimen
cybercrime
illegal online gambling
online gambling
sugal
Chinese
National Capital Region Police Office
Philippine National Police
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT