PatrolPH

Ilang bahagi Northern Samar binaha; mga residente humihingi ng saklolo

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2023 11:24 AM | Updated as of Nov 21 2023 11:38 AM

Baha sa ilang bahagi ng Northern Samar, lagpas-tao 1
Baha sa ilang bahagi ng Northern Samar, lagpas-tao 2
Baha sa ilang bahagi ng Northern Samar, lagpas-tao 3

Lagpas-tao ang baha sa Barangay Cagogobngan, Catubig, Northern Samar ngayong Martes. Larawan mula kay Reda Tenedero Daculan

Umabot ng lagpas-tao ang baha sa ilang bahagi ng Northern Samar, Martes, dulot ng halos walang tigil na pag-ulan na dala ng shear line na nakakaapekto sa Visayas.

Sa Barangay Cagogobngan sa bayan ng Catubig, halos abutin na ng baha ang ikalawang palapag ng mga bahay.

Ang mga residenteng walang bangka, lumangoy na lang para makatawid papunta sa lilikasang mas mataas na bahay. 

Baha sa ilang bahagi ng Northern Samar, lagpas-tao 4
Baha sa ilang bahagi ng Northern Samar, lagpas-tao 5

Sitwasyon sa Catarman dahil sa mga pag-ulan. Larawan mula kay Melanie Rosila

Sitwasyon sa Catarman dahil sa mga pag-ulan. Larawan mula kay Melanie Rosila

Humingi naman ng saklolo ang ilang residente sa bayan ng Catarman dahil lagpas bubong na rin ang baha. 

Kwento ng residente ng Barangay Ipil-ipil na si Melanie Rosila, biglang tumaas ang tubig alas-2 ng madaling araw.

Lumagpas ng bubong ng kanilang bahay ang baha kaya lumikas sila sa kapitbahay nila na mataas ang tahanan. Nababahala sila dahil patuloy ang pagbuhos ng ulan kung kaya patuloy pa rin ang pagtaas ng baha.

Nakakadagdag sa pagkabahala ni Rosila ang mga kasamang bata at sanggol.

Para masigurong ligtas ang sanggol, inilagay na lang ito sa isang planggana nang itinawid sa baha.

Pati ang pinaglalamayan nilang kabaong ng namatay na kaanak, inabot na rin ng baha.

Watch more News on iWantTFC

Dagdag niya, may ilang ga residente pang na-trap sa baha sa kani-kanilang bahay. Pero hirap umano ang mga rescuer na mapuntahan sila dahil sa lakas ng agos ng baha.

Binaha rin ang downtown proper ng Catarman, kung saan inabot ng tubig ang mga sasakyan. 

Baha sa ilang bahagi ng Northern Samar, lagpas-tao 6
Baha sa ilang bahagi ng Northern Samar, lagpas-tao 7
Baha sa ilang bahagi ng Northern Samar, lagpas-tao 8

Sitwasyon sa Catarman dahil sa mga pag-ulan. Larawan mula kay Embile Rey Ann Argenio

Sitwasyon sa Catarman dahil sa mga pag-ulan. Larawan mula kay Embile Rey Ann Argenio

Sitwasyon sa Catarman dahil sa mga pag-ulan. Larawan mula kay Embile Rey Ann Argenio

— Ulat nina Sharon Evite at Ranulfo Docdocan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.