Manila Zoo muling nagbukas kasunod ng rehabilitasyon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Manila Zoo muling nagbukas kasunod ng rehabilitasyon

Raya Capulong,
ABS-CBN News
Published Nov 21, 2022 01:30 PM PHT
|
Updated Nov 21, 2022 07:49 PM PHT

Kahit bahagyang masama ang panahon, hindi nagpapigil ang ilang pamilya at senior citizen para tumungo sa Manila Zoo, na muling nagbukas sa publiko ngayong Lunes kasunod ng ilang buwang pagkakasara dahil sa rehabilitasyon.

Pero hindi pa dagsa ang mga namamasyal at wala pang mahabang pila ngayong Lunes.

Sentrong atraksiyon ang elepanteng si Mali pati ang mga leon, tigre at iba pang hayop.

Bawal magdala ng pagkain at inumin pero may mga tindahan naman ng pagkain sa loob ng zoo.

ADVERTISEMENT
Sa mga may balak pumunta sa Manila Zoo, bukas ito mula alas-9 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi pero magpapatupad ng cut-off time alas-6 ng gabi.

Ang mga sumusunod naman ang entrance fee sa zoo:

- Mga matatanda at bata na hindi taga-Maynila - P300
- Mga residente ng Maynila - P150
- Mga estudyanteng hindi taga-Maynila - P200
- Mga estudyante ng Maynila - P100

May 20 porsiyentong diskuwento naman sa mga senior citizen at person with disability.

Hinikayat naman ang mga mamamasyal na magparehistro at bumili muna ng ticket sa website ng Manila Zoo.

Tiniyak naman ng Manila Police District na may nakabantay na mga pulis sa labas ng zoo at may nakalatag na contingency plan sakaling dumagsa ang tao.

RELATED VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT