Xi Jinping ng China nasa Pilipinas para sa 2 araw na state visit | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Xi Jinping ng China nasa Pilipinas para sa 2 araw na state visit

Xi Jinping ng China nasa Pilipinas para sa 2 araw na state visit

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 20, 2018 08:46 PM PHT

Clipboard

Dumating sa Pilipinas nitong Martes si Chinese President Xi Jinping. Erik de Castro, Reuters

UPDATED -- Dumating na sa Pilipinas nitong Martes ng umaga ang Pangulo ng China na si Xi Jinping para sa kaniyang dalawang araw na state visit.

Ang huling state visit sa bansa ng isang Pangulo ng Tsina ay nangyari 13 taon na ang nakalilipas.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagkaroon ng official welcome ceremony para kay Xi sa Malacañang kung saan pinag-usapan ang magiging partisipasyon ng Tsina sa ilang Build Build Build program.

Napag-usapan din ang pagpapalago ng kooperasyon sa turismo, agrikultura, siyensiya at teknolohiya sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.

ADVERTISEMENT

Pinag-usapan din ang pagtutulungan sa seguridad, maritime cooperation, at law enforcement sa kabila ng mga banta ng terorismo, kriminalidad, at illegal drugs.

"We have turned a new page and we are ready to write a new chapter of openness and cooperation," sabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Xi sa pagbisita nito sa Malacañang.

Sa Miyerkoles inaasahan ding magpulong sina Xi, Senate President Vicente Sotto III, at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Mananatiling naka-full alert status ang National Capital Region Police Office (NCRPO) hanggang Miyerkoles.

Ani NCRPO chief Director Guillermo Eleazar, nasa 6,000 pulis ang naka-deploy para sa state visit at wala pa namang nakikitang banta rito.

ADVERTISEMENT

Nakasara ang ilang kalsada sa Maynila at kinansela ang ilang klase sa lugar dahil sa state visit. ​

Ipinagbawal din ng Philippine Coast Guard ang paglalayag ng mga bangka at iba pang mga sasakyang pandagat sa ilang bahagi ng Manila Bay hanggang makaalis si Xi sa bansa sa Miyerkoles.

Inaasahan ang pagpirma ng dalawang bansa sa ilang kasunduan, kabilang na umano ang pagkakaroon ng "joint exploration" sa West Philippine Sea, na kabilang sa mga teritoryong pinag-aagawan ng Tsina at Pilipinas.

Sa kaniyang arrival statement, sinabi ni Xi na tanging pagkakaibigan at mabuting pakikipag-ugnayan lang ang dapat piliin ng dalawang bansa.

"Given the profound and complex changes in the world, good-neighborliness and friendship is the only right choice for China and the Philippines," aniya.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

SINALUBONG NG PROTESTA

Kinondena naman ng ilang grupo ang pagdating ni Xi, at pinuna ang pagpapautang nito sa Pilipinas na may malaking interes.

Ani BAYAN Secretary-General Renato Reyes, nangangamba silang baka gawing kapalit ng mga ito ang pagsuko sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Iginiit din ni Reyes na dapat igalang nina Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng tribunal sa The Hague na kumikilala sa karapatan ng bansa sa mga naturang karagatan.

"Ang panawagan natin dapat igalang ng Tsina ang pinanalo natin sa international court kaugnay ng West Philipine Sea...Hindi dapat isantabi dahil lamang sa mga pangutang na maglulubog sa atin sa kahirapan," ani Reyes.

-May ulat nina Henry Atuelan, Pia Gutierrez, at Doris Bigornia, ABS-CBN News ​

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.