Samuel, napanatili ang lakas bago ang inaasahang landfall | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Samuel, napanatili ang lakas bago ang inaasahang landfall

Samuel, napanatili ang lakas bago ang inaasahang landfall

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 01, 2019 05:04 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Napanatili ng bagyong Samuel ang lakas nito bago ang inaasahan nitong landfall ngayong gabi ng Martes, sabi ng state weather bureau na Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA​).

Huling namataan si Samuel sa layong 260 kilometers silangan ng Maasin, Southern Leyte.

Isa pa rin itong tropical depression at napanatili ang lakas ng hangin sa 55 kilometro kada oras (kph) na may pagbugsong aabot sa 65 kph.

Mula 25 kph noong Lunes, bahagyang bumagal ngayong Martes si Samuel, na kumikilos sa 20 kph patungong west northwest.

ADVERTISEMENT

Inaasahang magla-landfall o tatama ngayong gabi ng Martes si Samuel sa bahagi ng Eastern Samar at Dinagat Islands.

Dadaan din ito sa ibang lalawigan sa gitna at kanlurang bahagi ng Visayas ngayong gabi ng Martes hanggang umaga ng Miyerkoles.

Kaya tatagal pa ang malalakas na ulan sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao at timog Luzon.

Sa ganap na alas-5 ng hapon, itinaas ang storm signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Masbate kabilang ang Ticao Island
  • Romblon
  • Southern Oriental Mindoro
  • Southern Occidental Mindoro
  • Palawan kabilang ang Cuyo at Calamian Islands
  • Northern Samar
  • Eastern Samar
  • Samar
  • Biliran
  • Leyte
  • Southern Leyte
  • Bohol
  • Cebu
  • Siquijor
  • Negros Oriental
  • Negros Occidental
  • Guimaras
  • Iloilo
  • Capiz
  • Aklan
  • Antique
  • Dinagat Islands
  • Surigao Del Norte
  • Surigao Del Sur
  • Agusan Del Norte
  • Agusan Del Sur
  • Misamis Oriental
  • Camiguin

Tinatayang tatama rin ang bagyo sa Palawan sa gabi ng Miyerkoles.

Sa Metro Manila, maulap ang panahon sa Miyerkoles at may tsansa ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa umaga.

Sa Biyernes inaasahang aalis sa Philippine area of responsibility ang bagyong Samuel.

Ilang lugar na rin ang nag-anunsiyo ng suspensiyon ng klase dahil sa masamang panahong dala ng bagyo.

--Ulat ni Kim Atienza, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.