110 pamilya sa Baggao, Cagayan inilikas sa panibagong banta ng landslide | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

110 pamilya sa Baggao, Cagayan inilikas sa panibagong banta ng landslide

110 pamilya sa Baggao, Cagayan inilikas sa panibagong banta ng landslide

ABS-CBN News

Clipboard

Nagkaroon ng landslide sa isang sitio sa bayan ng Baggao, Cagayan noong nakaraang linggo dahil sa mga pag-ulang dala ng bagyong Ulysses. Screengrab mula sa Facebook video ng Baggao Public Information Office


MAYNILA - Pansamantalang nakatira ngayon sa eskuwelahan ang 110 pamilyang inilikas sa pangambang gumuho muli ang lupa mula sa isang bundok sa isang barangay sa bayan ng Baggao sa lalawigan ng Cagayan.

Ito'y matapos ang naunang pagguho ng lupa sa lugar kasunod ng pananalasa ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Baggao Mayor Joan Dunuan, nagsagawa sila ng forced evacuation ng kalahati ng mga residente ng Barangay Taytay, o 110 pamilya, dahil pabagsak na umano ang bundok doon.

“May crackings na po at unti-unti nang pabagsak 'yung bundok, nung lupa so kailangan silang i-relocate,” sabi ni Dunuan.

ADVERTISEMENT

Dahil wala silang evacuation center, sa paaralan dinala ang mga pamilyang inilikas.

“Hirap din po ako doon 110 families, 362 family members, kailangang mabigyan ng tulong din kahit papaano higit lalo po 'yung malilipatang bahay siguro o livelihood po,” sabi niya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mas nais ng alkalde na agad na mabigyan ng livelihood ang mga apektadong pamilya para hindi na sila muling bumalik sa bundok para magtanim ng mais.

“Sira lahat ng pangkabuhayan nila, umaapela po ako sa national government ng livelihood [program] para sa nawalan ng bahay,” sabi niya.

Dagdag niya ang upland farming o pagtatanim sa bundok ang isang naging sanhi kung bakit humina ang lupa sa kabundukan kaya tuwing umuulan, madali bumagsak ang pondasyon nito.

ADVERTISEMENT

“May 4 kaming namatay dahi sa pagkakabagsak ng bundok, natabunan ang kanilang bahay. Nakatira kasi sila sa foot ng bundok, ‘di nila sukat akalain, mga ala-1 ng [madaling araw] bumagsak 'yung bundok at sila yung nabagsakan, natabunan,” kuwento niya sa naunang insidente.

Pinatag na umano ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways ang bundok para hindi na muling bumigay at para makapasok ang relief operations sa bayan para sa mga nasalanta ng matinding pagbaha.

Sinakop ng gumuhong bahagi ng bundok ang national highway kaya nahirapan noong mga unang araw matapos ang pagbaha na mapasok ng relief operations ang kanilang bayan.

“Today, malayang makarating na po sa atin ang mga gustong magdala ng relief goods dahil 'yung main highway nating natabunan ng isang buong bundok na nag-collapse ay open na po, rehabilitated na,” sabi niya.

Laking pasalamat din ng alkalde sa mga unang tumugon sa pangangailangan ng mga residente. Pero kumakatok pa rin sila sa mga nais na tumulong na kailangan pa rin ng mga residente ang mga gamit sa paglilinis tulad ng sabong panlaba, mga kumot, unan at kulambo, at mga gamot.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.