Photo courtesy of Mambajao police
MAMBAJAO, Camiguin -- Sumiklab ang sunog sa lumang municipal hall ng bayang ito, Lunes ng umaga.
Mabilis na kumalat ang apoy sa ikalawang palapag ng gusali, na gawa sa kahoy at iba pang materyales na madaling masunog.
Ayon kay FO2 Francis Lorejas, isa sa mga pinakalumang istruktura sa bayan ang nasunog na gusali.
Abandonado na ang ikalawang palapag nito samantalang opisina ng Parole and Probation Office ang nasa ibaba.
Mabilis nakaresponde ang mga bombero kaya hindi na kumalat pa ang apoy sa mga karatig na gusali.
Wala ring naiulat na nasaktan sa sunog. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.
Aabot sa P1 milyon ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa gusali.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.