Yumanig sa Homonhon Island, Guiuan, Eastern Samar ang magnitude 3.3 na lindol, alas 3:04 ng hapon nitong Sabado.
Ayon sa Phivolcs, may lalim itong 99 kilometers at tectonic ang origin. Wala namang naitalang intensity ang naturang lindol.
Samantala, naramdaman din ang magnitude 3.1 na lindol na yumanig sa Calubian, Leyte alas-11:26 ng umaga ng Sabado.
Sa tala ng Phivolcs, tectonic ang origin nito at may lalim itong 13 kilometers.
Intensity III ang naramdaman sa Calubian, Leyte, habang intensity II naman sa San Isidro, Leyte at Naval, Biliran.
Naitala din ang Instrumental Intensity III sa Calubian, Leyte at Intensity II sa Kawayan, Biliran.
Wala namang naitalang pinsala dahil sa mga pagyanig. - Sharon Evite
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.