P136 milyong 'droga' nasamsam sa 'shabu lab' sa Muntinlupa subdivision | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P136 milyong 'droga' nasamsam sa 'shabu lab' sa Muntinlupa subdivision

Nico Bagsic,
ABS-CBN News
Published Nov 18, 2022 02:05 PM PHT

MAYNILA - Sa unang tingin, pangkaraniwang bahay lang sa Mabolo Street sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City. Ngunit laboratoryo na pala ito ng umano'y ilegal droga.

Tumambad ang tumpok-tumpok na mga tray ng hinihinalang shabu sa isang kwarto nang halughugin ng mga operatiba ng PDEA ang bahay sa bisa ng isang search warrant.

Ayon sa PDEA Officer in Charge na si ASec. Gregorio Pimentel, mahigit isang buwan nilang minamanman ang lugar ang bahay bago nila ikinasa ang operasyon kagabi base sa nakalap ng kanilang mga asset at paunang imbestigasyon.

Arestado ang isang Pinoy at isang French national at nakita rin ang iba't ibang paraphernalia na gamit sa paggawa ng shabu.

ADVERTISEMENT
"As you can see this is a shabu laboratory. And as explained a while ago by the suspect. They have brought those cannisters, water gallons, these solid forms is mixed with a liquid solution," ani Pimentel.

"Their Filipino contacts have connection which we believe are involved in importation, in Philippine customs."

Tinataya ng PDEA na nasa mahigit 20 kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa loob ng laboratoryo na nagkakahalaga ng nasa P136 million.

May natagpuan ding freezer chest sa loob ng bahay na ginagamit umano na storage ng mga ginagawang shabu.

"And on our surveillance we were able to monitor them. They have bought a big... freezer over there. If you can see merong laman yun. Doon nila finifreeze ang mga stock nila"

Ni-raid din ang isa pang bahay sa Madrigal Street kung saan naaresto ang isang Canadian national na ayon sa mga Pilipinong katiwala ay umuupa lang daw sa bahay.

Nasamsam ang tinatayang nasa dalawang kilo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang dalawang plastic at itinago sa isang paper bag sa sala ng bahay na may halagang nasa 13.6 million pesos.

Ayon pa sa dalawang Pilipinong caretakers sa bahay, tatlong buwan pa lang ang Canadian National na nakatira sa doon.

Nasa ibang bansa anila ang kanilang amo at pinaparentahan lang ang bahay.

Giniit naman ni Pimentel na grupo ng mga sindikato sa ibang bansa ang kasabwat ng mga suspect at nag eexport na ang mga ito ng ipinagbabawal na gamot.

"We believe these syndicates are connected to the Australian players, Canadian players and Mexican players so with that we known that they have successfully put drugs here already and distributed a lot already," ani Pimentel.

Iimbestigahan pa ng mga awtoridad kung sangkot din ang dalawang Pilipinong caretaker ng bahay sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nasa kustodiya na din ng PDEA ang mga naarestong suspect na Pinoy, French, at Canadian.