Paglipana ng mga pekeng gamot ngayong pandemya ikinabahala | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paglipana ng mga pekeng gamot ngayong pandemya ikinabahala

Paglipana ng mga pekeng gamot ngayong pandemya ikinabahala

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Naglipana sa mga online shopping platform ang mga gamot o vitalmins na mabibili sa isang pindot lang.

Bagama't may ilang mga botika at manufacturer na ang mga opisyal na account sa online shopping app, may mga account pa ring hirap tukuyin kung lisensiyado silang magbenta ng gamot.

Kaya may babala ang Food and Drug Administration sa pagbili ng gamot online, maging sa mga sari-sari store.

Mula kasi nang pumasok ang COVID-19 pandemic, dumami ang counterfeit o pekeng mga gamot sa merkado.

ADVERTISEMENT

"Maraming gamot ang kinailangan natin, ascorbic acid, gamot sa ating lagnat, sipon, ubo, tendency niyan mas marmaing guamgawa ng counterfeit," ani FDA Common Services Laboratory director II Jocelyn Balderrama.

Ayon sa Department of Health, global public threat ang paglipana ng pekeng gamot dahil maaaring magkaroon ito ng masamang epekto sa kalusugan.

“Counterfeiting of medicines is illegal and considered a serious threat to our individual health and welfare and may result in hospitalization, permanent disability, or worse, even death. It may also worsen existing illnesses and even cause adverse reactions if administered in complication with other medications," ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Hamon ngayon para sa mga awtoridad para mahabol ang pekeng gamot ay ang paggamit ng social media at mga app sa pagbebenta.

Umaabot na sa P53 milyon ang halaga ng nakumpiska ng Criminal Investigation and Detection Group at COVID-19 test kits mula 2020.

Pero sa mga kasong nasampa, nasa 24 porsiyento ang na-dismiss dahil sa kakulangan sa sertipikasyon ng mga manufacturer na peke nga ang kumpiskadong ebidensiya.

"Kung wala ang certification form competent bodies, hindi magpo-prosper ang kaso or yung mga naaresto na nagbebenta ng counterfeit medicine ay irerelease agad ng prosecutor o korte. Very crucial ang certification an ibibgay," ani CIDG acting director Ronald Lee.

Ayon pa sa FDA, maparaan na ang panggaya ng mga gamot ngayon at hidni na sapat ang pagsuri lang sa kulay.

Maaaring gamitin ang verification portal sa website ng FDA para malaman kung may certificate of product registration ba ang nabibiling gamot.

Ayon naman sa World Health Organizaiton, isa sa mga dahilan kung bakit may mga nabibiktima ng pekeng gamot ay dahil mas mura ito kumpara sa lehitimong mga produkto.

Dahil dito, mahalaga na magkaroon ang publiko ng access sa mura, ligtas, at dekalidad na gamot.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.