PatrolPH

PANOORIN: Paglikas ng mga tao mula sa mall pagkatapos ng lindol

BMPM

Posted at Nov 17 2023 11:05 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA — Nakuhan ng video ni Bayan Patroller Arnel Caminoy ang paglabas ng mga tao sa isang mall matapos ang lindol sa General Santos City nitong Biyernes.

 Isa siyang empleyado sa mall at bago ang lindol ay namimigay sila ng kanilang card na parte ng kanilang trabaho.

Kwento ni Bayan Patroller Arnel ay nagsimula lamang sa mahinang pagyanig ang naranasan hanggang sa unti-unti itong lumakas.

“Biglang lumakas na ang lindol, umupo na po ako nag-observe sa paligid... Takot na takot po ako. Pagkapos po ng lindol dun na po ako napaisip na mag-video palabas ng mall,” kwento niya.

Niyanig ng 6.8 magnitude na lindol ang Southern Mindanao nitong Biyernes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.