One COVID Allowance, inusisa sa pagdinig ng panukalang DOH budget | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
One COVID Allowance, inusisa sa pagdinig ng panukalang DOH budget

Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Nov 17, 2022 09:25 PM PHT

MAYNILA - Umabot na sa halos P30 bilyong pondo ang nailabas ng Department of Budget and Management at Department of Health para sa mga benepisyo ng mga health at non-healthcare workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig sa panukalang budget ng DOH, sinabi ni DOH Usec. Ma. Rosario Vergeire na mula noong Enero hanggang sa kasalakuyan ay mahigit sa 1 milyong benepisyaro na ang nakatanggap ng kanilang One COVID Allowance.

“Ito po yung na-disburse - P29 billion. Ang nabayaran na natin ng healthcare workers na nabigyan na natin from January until this time is 1.4 million, with P10.4 billion," sabi ni Vergeire, na umuupong officer-in-charge ng ahensiya.

"There’s another one that we have paid already in the past, kasi SRA pa po, binago lang yung policy. Ito pong around 72,000-plus healthcare workers received this amount of money, around P1.1 billion," dagdag niya.

"Tapos, meron din dati, yung meals accommodation and transportation allowance. Pero hanggang ano lang po yun - September to December of 2020.”

Ayon kay Sen. Pia Cayetano na tumatayong sponsor ng panukalang budget ng DOH, mula sa dating mahigit 526,000 na healthcare workers na kinilalang benepisyaryo ng OCA, mas lumaki pa ito sa mahigit 800,000.

“The 526,000 healthcare workers that you have mentioned have been expanded to 805,863... beneficiaries. So the base now, 805,000 beneficiaries, which is based on the law that also covered, defined eligible health workers… The January to June figures that have been made available by DBM is not P11 billion but P19 billion… Now, for July to December, what is needed is P35 billion. So if that amount will be released, then they are up to date with what is required to be paid our health workers and non-health workers under the law,” sabi ni Cayetano.

SCENARIO SA SUSUNOD NA TAON SAKALING WALANG PUBLIC HEALTH EMERGENCY
Aminado si Cayetano na mayroon pa ring mga kinakailangang bayaran ang DOH na mga healthcare workers sa susunod na taon, kahit pa hindi na magdeklara o mapalawig ang deklarasyon ng public health emergency.

Ito aniya ay ang mga naipong utang sa mga benepisyaryo ng One COVID Allowance.

Kung sakaling magkaroon ng deklarasyon o extension ng public health emergency, mas malaking budget pa ang kakailanganin ng DOH para dito na tinatayang aabot sa mahigit P140 billion.

“Yun yung first scenario na walang public (health) emergency - P54.65 billion ang kailangan because may utang na tayo. But if there is a public health emergency, then extension for 2023, then the total amount needed would be P141.2 billion,” sabi ni Cayetano.

Aminado si Cayetano na sa ngayon, kulang pa ang pondo at hindi pa malinaw kung saan huhugot para sa naturang bayarin kung magkaroon ng public health emergency.

Ang magandang balita aniya ay nasa mga rehiyon na ang pondo para sa One COVID Allowance.

“As we speak, the funds have been downloaded to the regions. So that’s good news - umaandar siya. So nandon na siya sa regional, and then they have to enter in MOAs with different facilities,” sabi ni Cayetano.

Sabi ni Sen. Risa Hontiveros na siyang nag-interpellate kay Cayetano, ipararating niya agad ito sa mga health facilities at mga partners nito na mayroon nang pondo sa mga rehiyon sa bansa.

Sabi pa ni Hontiveros, dapat maging bukas palagi ang DOH sa pakikipag-usap sa mga health at non-health workers at mga partner facilities nito para masigurong nakararating ang benepisyong para sa kanila.

KAUGNAY NA ULAT
Read More:
DOH
Department of Health
One COVID Allowance
health workers
benefits
Tagalog news
COVID-19
coronavirus
DBM
Department of Budget and Management
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT