Elenita Binay, abswelto sa kasong graft sa Sandiganbayan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Elenita Binay, abswelto sa kasong graft sa Sandiganbayan

ABS-CBN News
Published Nov 17, 2016 09:30 AM PHT
|
Updated Nov 17, 2016 10:17 AM PHT

Inabswelto na ng Sandiganbayan 4th Division ang kasong graft na inihain laban kay Dra. Elenita Binay na nag-ugat sa umano'y maanomalyang pagbili ng 13.25 milyong pisong halaga ng office furniture nang siya pa ang nakaupong alkalde ng Makati noong taong 2000.

Sa promulgasyon ng anti graft court, na-acquit si Binay makaraang mabigo ang prosekusyong patunayang nagkasala si Binay sa kasong katiwalian.

Acquitted din sa kaso ang mga co-accused na sina dating Makati Councilor Ernesto Aspillaga at pribadong indibidwal na si Vivian Edna Edurise.

At large o nagtatago pa ang mga co -accused na negosyanteng sina Lee Yi Shing at Jason Li.
At large o nagtatago pa ang mga co -accused na negosyanteng sina Lee Yi Shing at Jason Li.
ADVERTISEMENT
Ito na ang ikatlong graft case na inabswelto o ibinasura ang kasong katiwalian laban kay Mrs. Binay.

May nakabinbin pang kasong graft si Binay sa Sandiganbayan 5th Division kaugnay ng maanomalyang pagbili ng 72 million pesos na halaga ng office gallery noong 1999; at sa 3rd division sa umano'y maanomalyang pagbili ng 45 million pesos na halaga ng kama at hospital equipment sa Ospital ng Makati 2000 at 2001.