Matapos ang baha, posibleng landslide tinututukan sa Cagayan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Matapos ang baha, posibleng landslide tinututukan sa Cagayan

ABS-CBN News
Published Nov 16, 2020 04:42 PM PHT

MAYNILA – Matapos ang mala-delubyong pagbaha sa probinsiya ng Cagayan dahil sa bagyong Ulysses ay ibang peligro naman ang binabantayan sa naturang lalawigan: ang posibleng landslides.

Sa Baggao, Cagayan, inilikas na ang nasa 265 na tao kahit humupa na ang baha.

Sabi sa TeleRadyo ni Baggao Mayor Joan Dunuan, nagbabadya ang pagguho ng lupa sa 2 barangay kaya nagpatupad sila ng preemptive evacuation.

Dagdag pa aniya ito sa mga residenteng nasa evacuation centers pa rin dahil inanod ng baha ang kanilang mga bahay na gawa sa light materials.

ADVERTISEMENT
Wala pa aniyang nakararating na tulong sa kanila dahil may kalsadang natabunan ng landslide at ngayon lang humupa ang baha sa mga karatig-bayan.

Halos 80 porsyento ng Baggao ang nalubog sa baha matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses, sabi ni Dunuan, pero wala na aniyang babalikang bahay ang karamihan sa mga residente matapos itong matangay ng baha.

Samantala, isolated pa rin ang 4 na barangay sa Solana dahil sa baha.

Sabi sa TeleRadyo ni Solana Mayor Jenalyn Carag, mataas pa ang lebel ng tubig papunta sa nasabing mga barangay.

Napadalhan naman na aniya ng mga inuming tubig at iba pang relief goods ang mga apektadong residente doon noong Linggo.
Sinabi naman ni Carag na masuwerte na sila dahil walang naitalang nasaktan o namatay sa kanilang bayan sa kabila ng naranasang lagpas-taong baha.