Ilang taga-San Mateo, Rizal sa kalsada nagpapalipas ng gabi | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang taga-San Mateo, Rizal sa kalsada nagpapalipas ng gabi

Ilang taga-San Mateo, Rizal sa kalsada nagpapalipas ng gabi

ABS-CBN News

Clipboard

Sa kalsada na nagpapalipas ng gabi ang ilang residente ng Barangay Banaba sa San Mateo, Rizal dahil punuan na ang mga evacuation center. Lyza Aquino, ABS-CBN News

Nagmistulang evacuation site ang isang bangketa sa J.P. Rizal Street kung saan natutulog ang ilang residente ng Barangay Banaba sa San Mateo, Rizal.

Apat na araw nang nagpapalipas ng gabi sa kalsada ang ilang residente matapos malubog sa putik at mawalan ng kuryente ang kanilang mga bahay dahil sa pananalasa ng bagyong Ulysses.

Isa rito si Ahmad Campong, na wala umanong naisalba matapos mabaha ang lahat ng gamit ng kaniyang pamilya.

"Sa ngayon, hindi pa po maayos 'yong daanan papasok sa amin dahil 'yong putik ay hanggang tuhod. Maliban sa mga suot namin, 'yon lang naisalba. Lahat ng gamit namin nabaha talaga," ani Campong.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Bobet Jacinto, disaster officer ng barangay, may mga nagtitiyagang matulog sa kalsada dahil puno na ang 3 evacuation center sa kanilang lugar.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nasa 300 pamilya ang sumisilong ngayon sa mga evacuation center, kung saan hirap ding ipatupad ang physical distancing, na pag-iingat laban sa banta ng COVID-19.

"Pinaaalalahanan na lang namin 'yong mga pamilya na kung maaari ay iwasan muna ang paggala-gala," ani Jacinto.

Sa kalsada din muna tumutuloy ang pamilya Saurale dahil sa takot na makakuha ng sakit sa evacuation site.

High-risk patient pa naman ang 72 anyos na si Virgie Saurale, na may bukol sa ulo at leeg.

"Sumasakit na po katawan ko dito sa paghiga. 'Yong hita ko, pilay po, kailangan ko po ng tulong," ani Saurale.

Tila ilang linggo pa ang aabutin bago tuluyang malinis ng mga taga-Barangay Banaba ang kanilang mga bahay at matirhan muli.

Hiling ng mga taga-Banaba ang hygiene kits, kumot, banig, pagkain, at pampaayos ng mga bahay.

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.