Ilang taga-Calumpit at Hagonoy problemado sa baha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang taga-Calumpit at Hagonoy problemado sa baha

Ilang taga-Calumpit at Hagonoy problemado sa baha

ABS-CBN News

Clipboard

Apektado ang hanapbuhay ng maraming residente sa Hagonoy at Calumpit, Bulacan dahil nananatiling lubog sa baha ang mga bayan. ABS-CBN News

Mistulang palaisdaan ang mga palayan sa Barangay Calizon sa bayan ng Calumpit, Bulacan kaya problemado ang mga pamilyang magsasaka.

"Ubos lahat ng palayan. 'Yung kapatid ko ubos lahat, puro utang pa," anang magsasakang si Nenita Manlapig.

Bumaha sa lugar dahil sa tubig galing Pampanga River na sinasabayan pa ng high tide.

Ayon kay Manlapig, ayaw ding pumunta ng kaniyang pamilya sa evacuation center dahil natatakot silang makakuha roon ng COVID-19.

ADVERTISEMENT

Sanay na sa baha ang mga taga-Calumpit, lalo't gaya ng karatig-bayan nitong Hagonoy ay katabi lamang ito ng Pampanga River.

Pero kung noon ay nadadaanan pa rin ng mga sasakyan ang Calumpit-Hagonoy Road kahit may baha, ngayo'y walang makaraan dahil umaabot hanggang dibdib ang tubig at may malakas na current.

Problema rin umano na inaabot hanggang isang buwan bago humupa ang mga pagbaha sa Hagonoy at Calumpit.

Sa Hagonoy, kinabahan ang mga residente ng Barangay Santa Monica nang bahagyang umulan nitong Lunes.

Marami rin sa mga residente ng bayan ang lumikas dahil sa baha.

Ayon sa kagawad na si Mary Mendoza, ginagawa ng pamunuan ng barangay ang lahat para matulungan ang mga lumikas.

Pero ayon kay Mendoza, kailangan na rin nila ng ayuda.

"Ang calamity fund po namin ay nagamit na noong pandemya," ani Mendoza.

-- Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.