Traffic enforcer sa Maynila kinaladkad ng SUV ng sinitang driver | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Traffic enforcer sa Maynila kinaladkad ng SUV ng sinitang driver

Traffic enforcer sa Maynila kinaladkad ng SUV ng sinitang driver

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 16, 2019 07:37 PM PHT

Clipboard

MAYNILA — Sugatan ang isang traffic enforcer sa Sta. Cruz nang kaladkarin ng sinisita niyang SUV driver nitong Sabado.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Manila Public Information Office, kinilala ang biktima na si Adrian Lim, tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau.

Sa kuha ng CCTV bandang alas-9 ng umaga, makikita na nakasabit ang enforcer sa umaandar na Mitsubishi Xpander sa Gelinos Street, malapit sa kanto ng Laong-Laan Street, sa Barangay 342.

Nakabangga pa ng nakaparadang sasakyan ang SUV, na minamaneho ng suspek na nakilalang si Orlando Ricardo Jr.

ADVERTISEMENT

Nakaharurot paalis ang suspek pero nahuli rin sa Batasan Hills, Quezon City kalaunan.

Nilapatan ng paunang lunas ng Philippine Red Cross ang enforcer na ngayon ay nagpapagaling na sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Inaalaam pa ng mga awtoridad kung ano ang violation at kung ano ang dahilan ng pagtatalo.

Nahaharap si Ricardo sa kasong serious physical injury at hit-and-run.

—Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.