Botika sa Koronadal nilooban; P25,000 tinangay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Botika sa Koronadal nilooban; P25,000 tinangay

Francis Canlas,
ABS-CBN News
Published Nov 16, 2017 01:46 AM PHT

KORONADAL CITY—Nilooban ng hindi pa kilalang grupo ng mga magnanakaw ang isang pharmacy sa Barangay Zone 1 sa lungsod na ito Martes ng madaling araw.

Ayon sa staff ng botika, nalimas ng mga kawatan ang P25,000 at isang kahon ng mga kapsula ng food supplement.

Nadiskubre na lang ng staff ng botika Martes ng umaga ang butas sa kisame kung saan pumasok ang mga magnanakaw.

Ayon sa pulisya, may apat na lalaki umanong umaaligid at nagtatanong hinggil sa oras ng pagbukas at pagsarado ng botika bago ang panloloob.

Ito na ang ikalawang beses na nilooban ang botika. Noong Setyembre lang, natangayan din ang Laforteza Pharmacy ng P40,000 kung saan sa kisame rin dumaan ang mga kawatan.

Posibleng iisang grupo lang umano ang nanloob sa botika dahil alam na nito kung saan dadaan, dagdag ng pulisya.

Kinakausap na ng awtoridad ang mga nauna nilang nahuli na mga kawatan na posibleng makapagbigay ng lead sa kaso.