24/7 libreng sakay sa EDSA Carousel magsisimula sa Disyembre 1 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

24/7 libreng sakay sa EDSA Carousel magsisimula sa Disyembre 1

24/7 libreng sakay sa EDSA Carousel magsisimula sa Disyembre 1

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 15, 2022 04:04 PM PHT

Clipboard

Pila ng mga pasahero sa Kamuning terminal ng EDSA Bus Carousel sa Quezon City, Setyembre 6, 2022. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
Pila ng mga pasahero sa Kamuning terminal ng EDSA Bus Carousel sa Quezon City, Setyembre 6, 2022. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

(UPDATE) Inanunsiyo ngayong Martes ng Department of Transportation na pinaaga na ang pagsisimula ng magdamagang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.

Sa halip na Disyembre 15, sisimulan na ng DOTr sa Disyembre 1 ang 24/7 na libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, na tatagal hanggang Disyembre 31.

Inaasahang mas maraming pasahero ang makikinabang sa programa, lalo't extended ang oras ng mga mall dahil sa papalapit na Pasko.

Bago nito, mula alas-4 ng madaling-araw hanggang alas-11 ng gabi lang ang libreng sakay sa ruta, na bumabaybay mula Caloocan City hanggang Parañaque Integrated Terminal Exchange.

ADVERTISEMENT

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nasa 100 bus ang inaasahang bibiyahe sa EDSA sa "graveyard shift" simula Disyembre 1.

Tumatanggap umano ng aplikasyon ang LTFRB para sa pagbibigay ng special permit para masuportahan ang 24/7 na operasyon ng bus carousel.

Ayon sa DOTr, posibleng ito na ang huling yugto ng libreng sakay sa EDSA Carousel dahil walang pondong inilaan ang gobyerno para sa programa sa susunod na taon.

Nanawagan din ang kagawaran na mabigyan muli ang aloksyon ang programa para mapalawig pa ito.

— May ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.