Unang kaso ng vape-related illness sa Pilipinas naitala: DOH | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Unang kaso ng vape-related illness sa Pilipinas naitala: DOH

ABS-CBN News
Published Nov 15, 2019 07:10 PM PHT

MAYNILA - Naitala na ang kauna-unahang kaso ng sakit na may kaugnayan sa paggamit ng vape o e-cigarettes sa bansa, ayon sa Department of Health ngayong Biyernes.

Nakatanggap ng ulat ang DOH na may nagtamo ng electronic cigarette o vaping-associated lung injury (EVALI) mula sa Central Visayas.

Sa pahayag, nanawagan si Health Undersecretary Eric Domingo na umiwas sa paggamit at paglanghap ng usok na nakukuha sa pag-vape.

"If you are currently using electronic cigarettes, you are at great risk for EVALI. Ask your doctor about the best ways to quit, and stay away from its aerosol emissions," ani Domingo.

Nakipag-ugnayan na rin ang ahensiya sa doktor ng pasyente para makakalap pa ng detalye ukol sa kaso.

Una nang nanawagan ang DOH na ipagbawal ang pag-vape, na umano'y hindi naman daw napapatunayang pamalit sa sigarilyong mayroong nicotine.

Naging alternatibo sa mga Pilipino, partikular na sa ilang kabataan ang pag-vape bilang alternatibo para sa mga nais na tumigil na sa paninigarilyo. Lumalabas sa datos ng DOH na may 1 milyong taong gumagamit ng vape.

Dati na ring nagbabala ang ilang eksperto tungkol sa paggamit ng vape sa epekto nito sa kalusugan. Kaakibat nito, ipinagbawal na rin ng ilang lokal na pamahalaan ang paggamit ng vape sa kanilang mga lugar.