Vaping maaaring humantong sa adiksiyon sa droga? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vaping maaaring humantong sa adiksiyon sa droga?

Vaping maaaring humantong sa adiksiyon sa droga?

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Kamakailan ay may mga napapaulat na insidente ng kabataang nagkakaroon ng samu't saring komplikasyon dahil sa paggamit ng vape.

Pero babala ng isang pediatrician, maaari itong magdulot ng adiksiyon, lalo na kung maaga itong sisimulan.

Paliwanag ni Dra. Rizalina Raquel Gonzales, ang paglanghap ng vape ay nakakaapekto sa pre-frontal cortex ng utak, na namamahala sa pagdedesisyon ng isang tao.

"Iyong kanilang judgement, emotions, behavior mas gusto nilang pleasurable. Ang problema, ito rin 'yong part ng brain na nag-e-encourage sa inyo to do drugs," paliwanag ng doktor.

ADVERTISEMENT

"Pag ginamit nang ginamit 'yung vape, nagkakaroon ng dependence, hinahanap," dagdag ng doktora.

Hindi pa kasi aniya fully-developed ang utak hanggang sa maging 25 anyos ang isang tao.

Bukod dito, may samu't saring sakit na maaaring idulot ang vaping gaya ng allergic rhinitis, pagdudugo ng ilong, maging ang pagkasira ng baga.

Payo ni Gonzales, huwag nang mag-vape at kung maaari, ilapit ang sarili sa malinis na hangin.


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.