2 frat sa UP Diliman, nagkagirian umano | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 frat sa UP Diliman, nagkagirian umano

2 frat sa UP Diliman, nagkagirian umano

Jasmin Romero,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nagkagirian umano ang mga miyembro ng dalawang fraternity sa University of the Philippines (UP) Diliman nitong Martes, ayon sa UP Law Student Government (LSG).

Ayon kay Chris Alquizalas, presidente ng LSG, nag-away ang mga miyembro ng Alpha Phi Beta Fraternity at Upsilon Sigma Phi Fraternity sa Palma Hall, base sa mga report na kaniyang natangap.

Hindi pa malinaw kung ano ang pinagmulan ng away o paano ito nagawa.

Nitong Miyerkoles, umugong naman ang balita na may barilan sa unibersidad. Dahil dito, naghigpit na ng seguridad sa Melchor Hall.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Atty. John Baroña, chief security officer ng UP Diliman, walang naganap na shooting incident sa loob ng campus.

Naghabulan lang umano ang dalawang sasakyan malapit sa Roxas Street. Hinarang ng hindi pa kilalang “aggressor” ang isang sasakyan at tinamaan ng isang bat o ibang bagay.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.

Ayon kay Alquizalas, posibleng ito rin ang mga frat na nag-away kahapon.

Mariin namang kinondena ng LSG ang insidenteng ito.

“As soon as possible dapat matigil na ang ganitong klaseng akto kasi 'di lang po sila ang nadadamay, kahit ang mga estudyante na 'di naman affiliated. Gusto lang natin ay mag-aral at maging secure habang nag-aaral," ani Alquizalas.

“Nako-kompromiso ang kaligtasan ng mga estudyante. 'Di sila makapag-aral, 'di makapasok at natatakot. Kung may nasaktan o may nasira, dapat may managot."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.