ALAMIN: Mga pautang na alok ng gobyerno para sa mga nasalanta ng bagyo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga pautang na alok ng gobyerno para sa mga nasalanta ng bagyo

ALAMIN: Mga pautang na alok ng gobyerno para sa mga nasalanta ng bagyo

ABS-CBN News

Clipboard

Tulong-tulong ang mga awtoridad sa pagsagip sa mga residenteng ito sa Marikina matapos malubog ang maraming bahagi ng lungsod sa baha nitong Huwebes, Nobyembre 12, 2020, dahil sa bagyong Ulysses. Ted Aljibe, AFP

May pautang ang Social Security System, Government Service Insurance System, at Pag-IBIG Fund sa mga miyembrong nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Ang Pag-IBIG Fund, may P4.4 bilyong inilaan para sa calamity loan dahil sa sunod-sunod na bagyo.

"Kung wala po tayong internet connection o kuryente, puwede pong physical ang pag-avail ng loan, nagcoordinate na po kami sa mga local government unit sa Bicol para makapag-setup po kami ng service desk kung saan puwedeng tanggapin ang loan application" ani Kalin Franco-Garcia, spokesperson ng Pag-IBIG Fund.

Sa SSS, pinag-aaralan kung mag-aalok muli ng calamity loan dahil P28 bilyon na ang nailabas ng ahensiya sa naunang calamity loan dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

ADVERTISEMENT

Pero sa ngayon, puwede namang mag-salary loan online sa SSS nang hanggang P40,000.

"Kailangan lang mag-rehistro sa my.sss at 'yun nga pong disbursement account na puwedeng savings account o PayMaya o M Lhuillier puwede pong piliin niyo 'yun at i-enrol n'yo sa inyong my.sss para doon nyo maa-avail ang ating salary loan online," ani SSS Spokesperson Fernan Nicolas.

Nagpapatuloy naman ang P20,000 emergency o calamity loan ng GSIS.

Pero kung mas malaki ang pangangailangan, puwedeng mag-multi purpose loan kung kaya ng suweldo na pagsabayin ang dalawang utang.

"Basta kaya pa ng kaniyang paying capacity basta ang kaniyang net take home pay huwag bababa ng P5,000 kasi 'yan ang GAA requirement 'yan," ani Nora Malubay, Executive Vice President ng GSIS.

Kung walang internet o kuryente sa lugar ng miyembro, maaaring gawing over-the-counter o idaan sa mobile kiosks ang paghain ng loan.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.