Ilang bahay apektado ng pagbaha, pagguho ng lupa sa Camarines Sur | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang bahay apektado ng pagbaha, pagguho ng lupa sa Camarines Sur

Ilang bahay apektado ng pagbaha, pagguho ng lupa sa Camarines Sur

Mylce Mella at Rizza Mostar,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 14, 2019 07:30 PM PHT

Clipboard

Naiahon ng mga residente ang kanilang mga alagang hayop at ilang kagamitan matapos na tumaas ang tubig sa kanilang lugar sa Barangay Batang Pamplona sa Camarines Sur, dulot ng bagyong Ramon. Rizza Mostar, ABS-CBN News

Ilang mga bahay ang binaha at naapektuhan ng pagguho ng lupa dahil sa walang tigil na pag-uulan sanhi ng bagyong Ramon, Huwebes ng hapon.

Ang patuloy na pagbuhos ng ulan ang naging dahilan na rin para kanselahin ang pasok sa lahat ng antas ngayong araw.

Sa monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Camarines Sur, ilang kabahayan sa probinsya ang naapektuhan ng pagbabaha at pagguho ng lupa.

Binaha rin ang komunidad ng Barnagay Sta. Maria sa Lagonoy, Camarines Sur. Larawan mula kay Ryan Caballero

Sa retratong kuha ni Barangay Kagawad Ryan Caballero, makikita ang pagtaas ng lebel ng tubig mula sa ilog ng Zone 6, Barangay Sta. Maria, Lagonoy, Camarines Sur.

ADVERTISEMENT

Pitong bahay sa lugar ang binaha. Ilan sa mga alagang hayop ng mga residente tulad ng mga baboy ang iniakyat na sa kalsada.

Dalawang bahay ang nasira matapos na gumuho ang lupa sa Barangay Maranao, Tinambac, Camarines Sur dahil sa bagyong Ramon. Larawan mula Tinambac, Camarines Sur Municipal Police Station

Sa Barangay Mananao, Tinambac, Camarines Sur, 2 bahay rin ang nasira matapos gumuho ang lupa.

Wala namang naitala na nasaktan sa pangyayari.

Hindi naman nakalikas pa ang mga residente ng Barangay Batang Pamplona nang biglang tumaas ang tubig nitong Miyerkoles ng gabi.

May ilang mga gamit at alagang hayop naman silang naisalba.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.