Keanna Reeves, nakapagpiyansa, dumepensa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Keanna Reeves, nakapagpiyansa, dumepensa

ABS-CBN News
Published Nov 14, 2018 06:42 PM PHT
|
Updated Nov 14, 2018 08:25 PM PHT

Pansamantalang nakalaya noong Martes ang TV personality na si Keanna Reeves matapos magpiyansa ng nasa P90,000 para sa kasong cyber libel.

Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Lunes si Reeves sa Quezon City dahil sa reklamong cyber libel na isinampa laban sa kaniya ng comedy bar owner na si Nancy Dimaranan, na kumuha sa serbisyo ni Reeves noong Hulyo.

Kinasuhan ni Dimaranan si Reeves matapos umano siyang siraan nito sa pamamagitan ng isang Facebook video.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Reeves na naglabas lang siya ng sama ng loob nang mahirapan silang makauwi matapos magtanghal sa bar ni Dimaranan dahil liblib ang lugar at hindi umano sila hinatid sa may sakayan.

Ayon pa kay Reeves, ipinagtataka niya kung bakit sinakay siya ng mga awtoridad sa sasakyan ni Dimaranan, ang taong nagkaso sa kaniya, nang hulihin siya noong Lunes.

Naka-Facebook live din umano si Dimaranan nang isilbi sa kaniya ang arrest warrant.

Ayon kay Dimaranan, wala naman daw nakasaad sa arrest warrant kung anong klaseng sasakyan ang maaaring gamitin sa pag-aresto.

Noong panahong inilabas daw ang warrant, sasakyan lang daw ni Dimaranan ang naroon kaya iyon ang sinakyan ng mga tauhan ng CIDG.

Pero sa patakaran ng Philippine National Police, tanging official o commissioned vehicles lang ng mga pulis ang maaaring gamitin sa pag-aresto.

Wala pang ibinibigay na paliwanag ang CIDG sa Laguna.

Ayon kay Reeves, hindi nakasipot ang kaniyang abogado sa ilang hearings noon sa reklamo ni Dimaranan kaya hindi nila naidepensa ang kanilang panig.

Handang harapin ni Reeves ang kaso pero ikinakasa na rin niya ang kaniyang kontra demanda.

Nakatakda ang arraignment sa Nobyembre 20.

Si Reeves ang itinanghal na big winner ng "Pinoy Big Brother: Celebrity Edition" noong 2006. --Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Keanna Reeves
krimen
cyber-libel
cyber libel
cyber-crime
CIDG
Criminal Investigation and Detection Group
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT