Iba pang biktima umano ng sexual harassment sa pageants lumutang | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Iba pang biktima umano ng sexual harassment sa pageants lumutang

ABS-CBN News
Published Nov 14, 2018 07:47 PM PHT

Patuloy na lumalawak ang kontrobersiya ng sexual harassment sa sari-saring beauty contests kasunod ang pagsulpot ng iba pang mga umano'y biktima.

Nagsimula ito nang pumutok ang alegasyon ng sexual harassment ng ilang kandidata ng Miss Earth 2018 laban sa ilang sponsors.

Nito lamang huli, naging malaman ang social media post ni dating Binibining Pilipinas-International Mariel de Leon na tila kumukumpirma na laganap sa pageant industry ang kaparehas na pang-aabuso.

Pinanindigan niya ito sa pag-host niya nitong Martes ng Miss Oriental Mindoro, kung saan nagbigay siya ng makahulugang mensahe.

"It's about time. Most women are scared to speak out because a lot of people choose to blame the victim instead of the harasser," aniya.

Dumagdag din sa usapin si Mutya Ng Pilipinas 2016 Leren Mae Bautista na tulad ni De Leon ay sinusuportahan ang paglutang ng iba pang biktima.

"We need to face that. It's the right time to stop sexual harassment," giit ni Bautista.

Binunyag naman ni 2016 Miss Global-Philippines 2016 CJ Hirro ang "harassment" na naranasan niya at ng mga kapwa kandidata sa gitna ng kanilang pageant, kabilang ang pagdala umano sa kanila sa isang party ng mga lasing na kalalakihan.

"I was once asked to go to an office blessing, only to realize it's a private party, just 4 girls in a sea of 30 drunk men," hinaing niya.

May pinaalala naman ang isang veteran pageant trainer sa mga contestant.

"Nasa babae 'yon, walang predator kung walang biktima, [so] say no," ani Arnold Mercado, managing partner ng grupong Aces and Queens.

IMBESTIGASYON
Samantala, susundin umano ng Miss Earth Organization ang direktiba ng National Privacy Commission na magpaliwanag sila sa alegasyon ng isa nilang kandidata na ilegal na pagbigay umano ng kaniyang cellphone number sa isang sponsor at pagkumpiska ng kaniyang pasaporte.

Naghain na rin ng isang resolusyon sa Senado si Senador Risa Hontiveros upang maglunsad ng imbestigasyon sa mga nagsisilabasang alegasyon.

"Sexual harassment has no place anywhere, especially in a pageant that claims to uphold the value and power of women," ani Hontiveros.

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
pageant
balita
beauty pageant
harassment
sexual harassment
abuso
sexual abuse
TV Patrol
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT