Cardona, Rizal isinailalim sa state of calamity dahil sa water lily | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Cardona, Rizal isinailalim sa state of calamity dahil sa water lily

Cardona, Rizal isinailalim sa state of calamity dahil sa water lily

ABS-CBN News

Clipboard

Nagdeklara ng state of calamity ang bayan ng Cardona sa Rizal dahil sa problema sa water lily.

Ayon kay Ewin Dionisio ng Cardona, Rizal Municipal Risk Reduction and Management Office, 14 na barangay sa Cardona na nasa baybayin ng Laguna Lake ang apektado ng mga halaman sa tubig.

Dagdag ni Dionisio, aabot sa mahigit 8,600 mangingisda ang hindi na makapunta sa lawa o makapangisda dahil sa kapal ng mga water lily sa lugar.

Nagkaroon na rin aniya ng kaso ng fish kill, karamihan sa mga namamatay ay isdang bangus, tilapia, at maya-maya na ikinabubuhay pa naman ng mga mangingisda.

ADVERTISEMENT

Halos wala na ring makuhang isda sa Laguna Lake dahil sa kapal ng water lily.

Nagpapasaklolo na ang lokal na pamahalaan ng Cardona sa ilang ahensiya ng gobyerno para maalis ang mga water lily.

-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.