SAPUL SA CCTV: Lindol sa Antique nitong Biyernes | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SAPUL SA CCTV: Lindol sa Antique nitong Biyernes

ABS-CBN News
Published Nov 13, 2022 11:30 AM PHT

Video mula kay Martin Federic Palco Morales
Nakuhanan ng CCTV ang pagyanig ng ilang istruktura sa bayan ng Anini-y, Antique noong Biyernes bunsod ng magnitude 4.8 na lindol.

Sa isang kuha, makikita ang mabilis na pagtakbo palabas ng mga tauhan at pasyente ng isang clinic sa bayan bunsod ng lindol, habang sa isang anggulo'y mapapanood ang paggalaw ng dalawang sasakyan.

Makikita rin sa isa pang kuha ng CCTV ang paggalaw ng isang bahay at mga puno, at pagkahulog ng mga gamit sa isang tindahan.
Makikita rin sa isa pang kuha ng CCTV ang paggalaw ng isang bahay at mga puno, at pagkahulog ng mga gamit sa isang tindahan.
Video mula kay Martin Federic Palco Morales
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bayan bandang alas-7:16 ng umaga noong Biyernes.

ADVERTISEMENT
Nasa Intensity V ang naramdamang lakas sa Anini-y, habang Intensity IV naman sa Tobias Fornier sa parehong lalawigan.

Naramdaman din ang lindol sa Hamtic, Antique at San Joaquin, Iloilo sa lakas na Intensity III; Intensity II sa Miagao, Iloilo; at Intensity I sa San Jose de Buenavista, Antique; Guimbal at Igbaras, Iloilo.

May Instrumental Intensities ring iniulat:
- Intensity VI - Anini-y, Antique
- Intensity I - San Jose de Buenavista and Culasi, Antique

Walang naiulat na nasaktan sa nangyaring lindol pero may mga naitalang nasirang bahay at gusali sa Anini-y, ayon sa municipal disaster office.

Nakitaan ng mga bitak ang pader ng baroque church ng St. John De Nepomuceno Parish sa nasabing bayan.

Ngayong Linggo, sa labas ng simbahan muna idinaos ang misa habang hindi pa natitiyak na ligtas ito at hindi pa natapos ang isinagawang inspeksiyon ng municipal engineering office.

Mga maliliit na bitak din ang nakita sa municipal hall ng Anini-y.

Patuloy ang ginagawang assessment ng municipal at provincial disaster office sa lindol.

— Ulat ni Rolen Escaniel
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT