‘Balasahan’: Duterte kakandidato umanong VP, Go tatakbong pangulo, Bato aatras | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Balasahan’: Duterte kakandidato umanong VP, Go tatakbong pangulo, Bato aatras

ABS-CBN News
Published Nov 13, 2021 05:51 PM PHT

MAYNILA—Tatakbo na sa pagkabise presidente si Pangulong Rodrigo Duterte, habang siya naman ang magiging running-mate ni Sen. Bong Go, na aangat sa pagkapresidente.

Ito ay kahit na inanunsiyo na ni Duterte na magre-retiro siya sa politika.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, maghahain ng kaniyang kandidatura si Duterte sa Lunes sa pamamagitan ng substitusyon.

Kinumpirma ni PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag na inatras na ni Go ang kaniyang kandidatura sa pagkabise presidente para tumakbo sa pagkapresidente.

Tatakbo umano si Go sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan.

Iniurong naman ni PDP-Laban bet Ronald "Bato" Dela Rosa ang kaniyang kandidatura sa pagkapangulo.

Sabi ni Dela Rosa, desisyon ito ng partido at sumusunod lang siya sa utos.

“Party decision, I just follow orders," ani Dela Rosa.

Sinundan nito ang paghain ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, anak ni Pangulong Duterte, ng kaniyang kandidatura sa pagkabise presidente.

Magkakatunggali ang mag-ama, sakaling ikakasa ni Duterte ang kaniyang kandidatura sa Lunes.

-- May mga ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT