5 patay, 9 nawawala sa pagguho ng lupa sa Nueva Vizcaya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

5 patay, 9 nawawala sa pagguho ng lupa sa Nueva Vizcaya

5 patay, 9 nawawala sa pagguho ng lupa sa Nueva Vizcaya

ABS-CBN News

Clipboard

Huwebes ng hapon nang magkaroon ng mga pagguho ng lupa sa tatlong sitio kung saan natabunan ang ilang bahay. Larawan mula sa Regional Police Office 2

Trahedya ang sinapit ng 5 na residente sa Barangay Runruno ng bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses sa bansa.

Sa inisyal na impormasyon mula Regional Police Office 2, bandang alas 4 ng hapon nitong Huwebes nang magkaroon ng mga pagguho ng lupa sa tatlong sitio kung saan natabunan ang ilang bahay.

Lima ang natagpuang patay sa mga residente, kabilang ang tatlo sa Sitio Bit-ang, isa sa Sitio Kinalabasa, at isa din sa Sitio Compound.

May 9 na residente din ang pinaghahanap ng mga awtoridad. Ang anim dito ay residente sa Sitio Bit-ang, habang ang tatlo ay taga-Sitio Compound.

ADVERTISEMENT

Si Ulysses ang ika-21 na bagyo na pumasok sa Pilipinas ngayong taon, at ika-8 sa nakaraang dalawang buwan. --Ulat ni Harris Julio

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.