Barangay kagawad patay sa pamamaril sa Isabela | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barangay kagawad patay sa pamamaril sa Isabela

Barangay kagawad patay sa pamamaril sa Isabela

Harris Julio,

ABS-CBN News

Clipboard

Nagbibisikleta sa kalsadang ito ang biktima nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa bayan ng Burgos sa Isabela. Larawan mula sa Burgos Police

BURGOS, Isabela - Patay sa pamamaril ang isang barangay kagawad ng Caliguian sa nasabing bayan, Lunes ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagbibisikleta umano si Kagawad Leonardo Albano nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Naitakbo pa siya sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival dahil sa tatlong tama ng bala sa mukha at kamay.

“Pag titignan natin yung crime scene, malapit lang yung bumaril kasi malapit lang din yung empty shell. Nakarekober tayo ng tatlong empty shell ng caliber .9mm,” ayon kay Senior Inspector Juan Deodato, hepe ng Burgos Police.

ADVERTISEMENT

Ikinagulat ng pamilya, malalapit na kaibigan, at kabarangay ang nangyari sa biktima na kilalang matulungin na tao.

“Ang exercise niya tuwing umaga ay magbisikleta, ilang taon na ‘yan. Nakakagulat nga kasi matulungin talaga ‘yan sa tao,” sabi ni Condrado Mondana.

Kinondena naman ni Punong Barangay Tristan Vargas ang pagpatay sa kaniyang tiyuhin na matagal ng pulitiko. Huling termino na ni Albano bilang barangay kagawad at tumatayong chairman ng Committee on Agriculture. Naging konsehal din siya ng bayan sa loob ng tatlong termino.

Hindi naman isinasantabi ng pulisya ang mga anggulo tulad ng personal na alitan at negosyo.

Noong nakaraang linggo lang ay pinagbabaril din sa Burgos ang dating punong barangay ng Divisoria, Aurora na si Pacifico Duque.

Inaalam na ng awtoridad kung konektado ang dalawang insidente ng pamamaril.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.