Higit 100 ektarya ng pananim sa Ilocos Norte, nasira dahil sa ulan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 100 ektarya ng pananim sa Ilocos Norte, nasira dahil sa ulan

Higit 100 ektarya ng pananim sa Ilocos Norte, nasira dahil sa ulan

ABS-CBN News

Clipboard

Nasalanta ng ilang araw na pag-ulan ang mga pananim na ito sa Badoc, Ilocos Norte. Dianne Dy, ABS-CBN News

ILOCOS NORTE—Nasira ang nasa 106 ektarya ng pananim sa bayan ng Badoc, Ilocos Norte dahil sa ilang araw na pag-ulan.

Kabilang dito ang mga pananim ng pakwan, sibuyas, mais, bawang at kamatis, base sa tala ng Badoc agriculture office.

"Dahil sa matinding ulan sa mga nagdaang araw, nabulok 'yong mga pananim," ani agriculturist Leonora Escarda.

Paliwanag ni Escarda, ang mga ganitong klaseng pananim ay madaling masira kapag sobra ang tubig.

ADVERTISEMENT

"Hindi sila puwedeng maka-survive sa matinding ulan at hindi namin inaasahan sa ganitong pangyayari," aniya.

Kabilang sa mga apektadong magsasaka ay si Gilbert Agabin na nalugi ng higit P50,000.

"Hindi namin inasahan na uulan ng sobra," aniya.

Hihingi ng tulong sa lungsod si Agabin at iba pang magsasaka para makapagsimula muli.

"Wala kaming maitanim kung hindi magbibigay ang gobyerno. Hihingi kami sa munisipyo kung meron para makatanim kami ngayong linggo," aniya.

Pinag-aaralan naman ng lungsod kung muli silang magbibigay ng binhi sa mga magsasaka. Karamihan sa mga nasira ay mga itinanim na binhi na naunang ibinigay ng lokal na pamahalaan.—Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.