7 private emission testing centers sinuspinde

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Nov 12 2019 11:23 AM

MAYNILA - Sinuspinde ng Department of Transportation ang 7 pribadong emission testing centers (PETC) matapos umanong mameke ng resulta ng emission test.
 
Ayon sa DOTr, kabilang sa pinatawan ng 90 araw na suspensyon ang:

  • RQG Emission Test Center sa Barangay Kaunlaran, Quezon City
  • Clearview Emission Testing Center sa Barangay Kaunlaran, Quezon City
  • Mjas Emission Testing Center sa Barangay Balon Bato, Quezon City 
  • Nicole Emission Testing Center sa Calamba City, Laguna
  • Sigma Sure Emission Testing Center sa Sigma, Capiz
  • Nadine Emission Testing Center sa Alaminos, Laguna
  • Espino Automotive System sa Malasiqui, Pangasinan

Pinaalalahanan din ng DOTr ang IT Service Provider ng 7 PETC na ihinto ang pagproseso ng anumang datos na may kaugnayan sa mga nasuspindeng kumpanya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.