Raul Yap ililibing na sa Lunes | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Raul Yap ililibing na sa Lunes
Raul Yap ililibing na sa Lunes
Geron Ponferrada,
ABS-CBN News
Published Nov 12, 2016 02:41 PM PHT

ALBUERA, LEYTE- Itinakda na ng pamilya ni Raul Yap ang libing nito sa Lunes ng hapon (Nobyembre 14) sa Albuera Public Cemetery.

Ayon sa kanyang asawang si Alma, hanggang ngayon wala pa rin silang natatangap na impormasyon o update sa pagkamatay ng kanyang mister.

Si Yap ang kasama noon ni Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. sa selda ng Baybay sub-provincial jail ng pasukin ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Region 8 ang kulungan noong Nobyembre 5.

Ang mga labi ni Yap ay nakalagak ngayon sa bahay ng kaniyang tiyahin sa Barangay San Andres sa Albuera.

ADVERTISEMENT
Samantala, hindi naman makapag-desisyon pa ang pamilya Espinosa kung kailan ililibing ang dating alkalde.

Ayon sa asawa ng dating alkalde, meron pa silang hinihintay na kapatid ni Rolando na nasa Amerika.

Nauna nang sinabi ng pamilya na balak nilang dalhin sa Cebu City ang mga labi ni Mayor Espinosa para doon ilibing pero noong isang araw lang ay tumawag ang anak nitong si Kerwin at sinabi sa kanyang pamilya na mas gusto niyang sa Albuera lang ilibing ang kaniyang ama.

Nagpadala na ang Philippine National Police ng apat na pulis na magsisilbing close-in security ng pamilya Espinosa sa kanilang bahay sa Sitio Tinago, Barangay Benolho, Albuera kung saan nakalagak ang mga labi ni Mayor Espinosa.

Ayon sa mga nagbabantay na pulis, ipinadala sila para bantayan ang seguridad ng pamilya matapos umanong mag-request ang abogado ng mga ito dahil umano sa banta ng panganib sa kanilang pamilya.

Read More:
Raul Yap
Albuera
illegal drugs
Rolando Espinosa Sr.
shootout
CIDG
PNP
tagalog news
instant article
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT