Exhibit ng National Artist na si Kidlat Tahimik, nagbukas sa Madrid | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Exhibit ng National Artist na si Kidlat Tahimik, nagbukas sa Madrid

Jerome Fadriquela | TFC News
Published Nov 11, 2021 11:26 PM PHT

MADRID - Kasing haba ng kasaysayang ang nais ipakita sa mundo ni Kidlat Tahimik (Eric de Guia) sa kanyang pinakabagong exhibit na pinamagatang “Magallanes, Marilyn, Mickey y Fray Damaso. 500 años de conquistadores rockstars.”

Nagbukas ito noong October 29, 2021 sa Palacio de Cristal (Glass Palace) na isang UNESCO Heritage Site, sa tulong ng Museo Nacional Centro de Reina Sofía sa Madrid.

Hitik sa installation art ang exhibition ni Tahimik na kakikitaan ng samu’t-saring historical Filipino Art na pwedeng bisitahin ng publiko hanggang March 6, 2022.

Sa proyektong ito, binalikan ni Tahimik ang kasaysayan. Sa Crystal Palace din noong 1887 nagkaroon ng General Exhibition tungkol sa kapuluan ng Pilipinas. Kung noon nakita ng mga taga-Europa mula sa mata ng kanilang mga kapwa Europeo ang Pilipinas, ngayon, nais ipakita ni Tahimik sa mga taga-Europa ang sariling bersyon ng kasaysayan ng mga Pilipino, partikular na ang kasaysayan ng kolonyalismo at ang impluwensya nito sa kultura natin sa kasalukuyang panahon.

Makikita sa exhibit ang iba’t-ibang installation art na gawa ng mga Pilipinong manlililok. Makikita rin ang isang galyon ng mga Kastila na naroon si Magallanes at ang aliping si Enrique de Malacca o Ikeng.

Nasa exhibit din ang mga American cultural icons na si Marilyn Monroe at Mickey Mouse na sumisimbolo sa paghalo nito sa orihinal na kultura ng ating mga ninuno.

Suportado ng Philippine Embassy sa Spain ang exhibit ni Tahimik. Binisita ni Ambassador Philippe Lhuillier at ng mga kinatawan ng Filipino community sa Madrid ang opening ng exhibit noong October 29, 2021.

Ang anim na buwang exhibit ay ikinasa ng Ministerio de Asuntos Exteriores, Union Europea y Cooperacion at ng Agencia Española de Cooperación Internacional para el Desarrollo.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Spain, tumutok lang sa TFC News sa TV Patrol.

Source: DFA website/ Philippine Embassy in Madrid FB page

Read More:
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT