89 barangay sa Laguna, lubog pa rin sa baha | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

89 barangay sa Laguna, lubog pa rin sa baha

89 barangay sa Laguna, lubog pa rin sa baha

Dennis Datu,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 10, 2022 05:49 PM PHT

Clipboard

Nananatili pa ring baha sa ilang lugar sa Laguna dalawang linggo matapos manalasa ang bagyong Paeng sa bansa. Dennis Datu, ABS-CBN News
Nananatili pa ring baha sa ilang lugar sa Laguna dalawang linggo matapos manalasa ang bagyong Paeng sa bansa. Dennis Datu, ABS-CBN News

Halos dalawang linggo matapos manalasa ang Bagyong Paeng sa bansa, nananatiling lubog sa baha ang maraming lugar sa Laguna.

Ayon kay Laguna Provincial Government Public Information Officer Chris Sanji, 89 barangay pa ang lubog sa hanggang baywang na taas ng baha.

Ang mga ito ay sa mga bayan at lungsod na nakapaligid sa Lawa ng Laguna kabilang ang San Pedro City, Biñan City, Sta. Rosa City, Calamba City, mga bayan ng Bay, Alaminos, Victoria, Rizal, Nagcarlan, Calauan, Pila, Sta. Cruz, Lumban, Mabitac, Famy at Paete.

Dahil dito, hindi pa rin makabalik sa kanilang mga bahay at nananatili pa rin sa mga evacuation center ang nasa 3,782 pamilya o 15,255 individuals.

ADVERTISEMENT

Sa Brgy. Pansol sa Calamba City, hanggang baywang pa ang baha sa Sitio Masagana at Sitio Mapaya kaya nasa evacuation centers pa rin ang 65 na pamilya.

Ayon kay Barangay Chairman Joel Martinez, posibleng abutin pa ng dalawang buwan bago humupa ang baha gaya nang nangyari noong taon 2020.

Mabagal umano ang pagbaba ng tubig dahil sa mababaw na ang Laguna Lake.

“Ang unang pangangailangan dito ay pagkain, bago pangalawa gamot marami na nagkakasakit dito yung mga bata saka yung mga matatanda senior citizen natin," ani Martinez.

Sinabi naman ni Sanji na tuloy-tuloy ang pamamahagi ng relief goods ni Gov. Ramil Hernandez sa mga apektadong pamilya.

Naglagay na rin ng mga potable water stations at may mga medical missions na rin na ginagawa.

Umaabot naman sa P147,828,283.95 ang pinsala sa agrikultura, higit 3 million pesos sa veterinary at 55 million pesos sa imprastraktura.

”Continous naman ang assessment, ang pagtulong ng pamahalaang panlalawigan si Gov. Ramil nagbigay ng instructions na talagang dapat makarating lahat ang tulong ng pamahalaan," ani Sanji

Sa buong Laguna, pito ang naitalang nasawi sa Bagyong Paeng at dalawa pa ang nawawala.

-- Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad