MMDA nagsagawa ng cleanup drive sa Manila Bay | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

MMDA nagsagawa ng cleanup drive sa Manila Bay

MMDA nagsagawa ng cleanup drive sa Manila Bay

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nagsagawa ng malawakang cleanup drive ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Baywalk dito sa siyudad, Sabado ng umaga.

Ayon kay Miguel Panal, hepe ng Personnel Inspection and Monitoring Group ng MMDA, nasa 200 na street sweepers ang nagpulot ng basura sa dalampasigan ng Manila Bay.

Kasama nila ang ilang dosenang mga taga Manila Department of Public Services na naglinis sa lugar. May mga truck din na tumulong sa paglilinis

Planong gawing regular na ang paglilinis sa lugar, ayon sa MMDA.

Marami pa rin umano ang pasaway kaya dumarami ang basura sa Baywalk.

ADVERTISEMENT

Umapela rin ang MMDA sa publiko na huwag magtapon ng basura sa ilog at dagat.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.