Pagbabalik ng number coding sa EDSA pinag-aaralan; ilang tsuper hati ang opinyon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagbabalik ng number coding sa EDSA pinag-aaralan; ilang tsuper hati ang opinyon

Pagbabalik ng number coding sa EDSA pinag-aaralan; ilang tsuper hati ang opinyon

Jeck Batallones,

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 09, 2021 07:00 PM PHT

Clipboard

Trapiko sa EDSA noong Oktubre 25, 2021. Mark Demayo, ABS-CBN News/File
Trapiko sa EDSA noong Oktubre 25, 2021. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

MAYNILA - Pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbabalik ng number coding tuwing rush hour dahil sa tumataas na volume ng mga sasakyan sa EDSA.

Hati naman ang opinyon dito ng ilang tsuper sa planong ito.

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, pinag-aaralan pa ang datos pero ang plano ay sa rush hour lang gagawin ang coding para magamit pa rin nila ang kanilang mga sasakyan.

Noong Nobyembre 3, nasa 399,034 kada araw ang volume ng mga sasakyan sa EDSA.

ADVERTISEMENT

Nasa 405,000 ang volume ng mga sasakyan bago ang pandemya.

Ang average speed naman sa EDSA ay 19 kilometro kada oras mula sa 11 kilometro kada oras noong pandemya.

Planong gawing alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 hanggang alas-7 ang coding, kung aarangkada ito.

Pero para sa ilang driver, gaya ni Ivan Dimacali, huwag naman daw ibalik ito dahil wala pa rin silang mga pasahero.

Kung mababawasan aniya ang biyahe nila lalo silang walang maiuuwi sa kanilang mga pamilya.

"Libre kami 'pag coding. 'Dun lang kami nakakabawi. Minsan pag wala kami kinikita, diyan kami kumukuha sa coding," ani Dimacali.

Pero may ilan namang tsuper gaya nina Julius Datiles at Arnel Arandia na pabor dito.

"Trapik na po ngayon," paliwanag ni Datiles.

"Ikot kami nang ikot wala naman pasahero napupunta Lang sa gasolina minsan wala na kami naiuuwi. Malaking tulong po sana sa amin yan pag wala gaano sasakyan wala gaano trapik maganda takbo ng mga sasakyan," ani Arandia.

KAUGNAY NA VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.