Hinalang tanim ebidensiya sa kaso ni Ladlad, alibi lang: Albayalde | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Hinalang tanim ebidensiya sa kaso ni Ladlad, alibi lang: Albayalde

ABS-CBN News
Published Nov 09, 2018 11:36 AM PHT

MAYNILA - Mariing itinanggi ni Philippine National Police chief Oscar Albayalde ang alegasyong itinanim lamang ang mga ebidensiyang nakuha mula sa isang bahay sa Quezon City kung saan naaresto si Vic Ladlad, peace talks consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

"I-prove na lang po nila ‘yan sa korte. Pero ‘yan po ay covered ng search warrant at na-serve na may kasamang barangay officials at sila ang nagpatunay po na talagang may mga na-rekober na mga ganyan," ayon kay Albayalde.

Huwebes ng madaling araw nang dumating sa isang bahay sa Barangay San Bartolome sa Novaliches ang convoy ng mga pulis. Hinalughog nila ang bahay sa bisa ng search warrant at tumambad umano ang iba't-ibang uri ng matataas na kalibre ng baril, mga bala at apat na granada.

"Malabo pong sabihin nilang planting of evidence po ‘yan. Napakarami po ng nakuha. Siguro kung isang granada ‘yan pwede tayong magduda," sabi ni Albayalde.

ADVERTISEMENT
Bukod kay Ladlad, arestado rin ang mag-asawang Alberto at Virginia Villamor na rumerenta sa naturang bahay.

Hinamon naman ng maybahay ni Ladlad na si Fides si Albayalde na ipa-fingerprint ang lahat ng armas na umano'y narekober sa bahay.

Ani Albayalde, ang pagtatanim ng ebidensiya ay madalas na alibi ng mga nahuhuli.

"Natural na walang aamin na isang tao na nakagawa ng krimen. Madalang na madalang po na makakakita tayo ng tao na aamin sa nagawa niyang krimen," sabi niya.