LTFRB board member nag-'Angkas'; drayber ng 'habal-habal' huli | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

LTFRB board member nag-'Angkas'; drayber ng 'habal-habal' huli

LTFRB board member nag-'Angkas'; drayber ng 'habal-habal' huli

ABS-CBN News

 | 

Updated Nov 09, 2017 11:12 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Huli ang dinatnan ng isang drayber ng motorcycle riding app "Angkas" nang ibaba niya sa Taguig si Atty. Aileen Lizada, board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Mismong si Lozada ang nag-book at sumakay gamit ang "Angkas" bilang bahagi ng operasyon ng LTFRB ngayong araw kontra sa mga "habal-habal" o kolorum na motorsiklo.

Nag-book ng habal-habal si Lizada sa McKinley Hill sa Taguig at nagpahatid sa 5th Avenue sa Bonifacio Global City, kung saan hinuli ang nagmamaneho nito.

Mariing paalala ni Lizada, walang prangkisa ang "Angkas" kaya itinuring itong kolorum o ilegal. Kasamang ng LTFRB ang Land Transportation Office at Highway Patrol Group sa panghuhuli.

ADVERTISEMENT

Aabot sa P6,000 ang multa sa mga mahuhuling nagmamaneho o nag-ooperate ng habal-habal.--ulat ni Radyo Patrol 49 Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.