Pagluluksa dahil sa Itaewon stampede tragedy, patuloy | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagluluksa dahil sa Itaewon stampede tragedy, patuloy

Joeffrey Maddatu Calimag | TFC News South Korea
Published Nov 07, 2022 03:25 PM PHT

SOUTH KOREA - Patuloy ang pagluluksa ng South Korea sa nangyaring stampede sa halloween party sa Itaewon, Seoul na ikinamatay ng higit isandaan at limampu. Sarado ang karamihan ng bars at establisyimento sa Itaewon. Kinansela rin ang malakihang event ng city-governments at private companies. Wala ring fireworks display maging sa Gwang-anli beach sa Busan.

Hanggang ngayon, nakararanas pa rin ng trauma ang Pinoy na si Jhumar Tablatin na isa sa mga dumalo sa party. Nakita niya ang trahedya.

“Bali nasa kabilang alley lang naman kasi kami. Naawa ako don sa mga biktima. Sa eight years ko dito, ngayon lang nangyari ito. Sobrang dami kasi ng tao siguro dahil after na rin ng pandemic ngayon lang ulit nagkaroon ng holloween party,” sabi ni Jhumar.

Maging ang OFW na si Nel Gigante, ikinahabala ang nangyari dahil may mga kaibigan siyang nakadalo sa dapat sana'y masayang pagtitipon. Maging siya mismo takot ngayong magpunta sa mga pagtitipon.

“Malungkot kasi maraming buhay ang nasayang lalo mga kabataan. Nagkaroon lang ako ng kaunting trauma lalo sa mga sobrang siksikan at mataong lugar. Sobrang nakakatakot lalo kung ikaw malalagay sa mismong sitwasyon na ganun,” ani Nel.

Ayon kina Nel at Jhumar, may natutunan sila sa nangyaring trahedya.

“Mas magiging maingat na lang next time. Doble ingat tapos iiwasan na lang yung mga crowded areas. Aattend pa rin naman siguro pero hindi na pupunta sa mga matataong lugar,” pahayag ni Jhumar.

“A-attend pa rin ako pero safety first ika nga,” sabi ni Nel.

Bukod sa mga South Korean, dalawamput-anim na dayuhan ang namatay sa trahedya. Bibigyan ng gobyerno ng South Korea ng tulong ang mga pamilya ng mga naulilia at tutulong din sa gastusin sa pagpapalibing.

Para sa iba pang ulat patungkol sa mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng mundo, panoorin at tumutok sa TFC News sa TV Patrol.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT