Ano ang dapat gawin kapag pabalang sumagot ang isang bata?

ABS-CBN News

Posted at Nov 07 2019 01:24 PM | Updated as of Nov 07 2019 01:38 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - May mga pagkakataon na pabalang sumagot ang isang bata sa kaniyang mga magulang at guro, na umano'y mas nagiging madalas ngayon. 

May payo ang Family Life and Child Development Specialist na si Claudette Tandoc ukol dito sa programang "Sakto" ng DZMM. 

Ayon kay Tandoc, dapat suriin kung ano ang naging kultura sa bahay na tinitirhan ng bata. 

"We have to consider the practice and the culture. Siguro kung dito na lumaki at dito tumagal [sa Maynila] dapat tinuturuan ng school at parents ng po at opo," ayon kay Tandoc. 

Dapat ding tanungin sa bata kung saan narinig ang nakakabastos na salita. 

"Siguro ang dapat gawin ay tanungin kung saan (ito narinig). It could be family, that's the microsystem. Paglabas niya may mga playmates, tapos papasok sa school may mga classmates at teachers, at napapanood sa TV," ani Tandoc. 

Para maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, iginiit ni Tandoc na magulang dapat ang magtakda ng magandang asal sa bahay. 

Posible kasi aniyang narinig sa magulang ang mga pabalang at pabastos na pananalita ng bata. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.