2 pulis na nanggahasa umano sa loob ng mobile, arestado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 pulis na nanggahasa umano sa loob ng mobile, arestado

ABS-CBN News
Published Nov 07, 2018 04:39 PM PHT
|
Updated Aug 05, 2019 11:43 AM PHT

Ayon sa biktima, inaresto siya para sa kasong illegal gambling pero inalok siya ng mga pulis na makipag areglo na lang pic.twitter.com/HCTqbkGG4C
— Jerome Lantin (@JeromeLantin) November 7, 2018

MAYNILA (UPDATED) -- Naaresto ang dalawang pulis sa Quezon City matapos ireklamo ng isang babae ng panggagahasa bilang kapalit ng kaniyang kalayaan.

Kinilala ang mga inirereklamong pulis bilang sina Police Officer 1 (PO1) Severiano Montalban III at PO1 Jayson Portuguez, mga nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Station 4.

Pinuntahan noong gabi ng Lunes ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Special Operations Unit ang istasyon kasama ang biktimang si alyas "Maria," kung saan positibong itinuro ni "Maria" si Portuguez.

Bagaman wala roon, kinilala rin ni "Maria" si Montalban bilang isa sa dalawang pulis na nanghalay sa kaniya matapos siyang hulihin dahil umano sa pagsusugal.

ADVERTISEMENT
Kuwento ni "Maria," inaresto siya kasama ang limang iba pa sa Novaliches, Quezon City at dinala sila sa ospital para isailalim sa medical test.

Inalok daw siya ng mga pulis kung gusto niyang makipag-areglo kapalit ng kaniyang kalayaan.

Sa loob ng police mobile ginahasa ni Montalban ang biktima. Sinundan naman ito ni Portuguez na nag-utos sa biktima na magsagawa sa kaniya ng oral sex.

Ayon kay NCRPO chief Director General Guillermo Eleazar, gusto ng pamunuan ng Philippine National Police na maging transparent sa publiko kasabay ng patuloy na internal cleansing o paglilinis ng kapulisan sa kanilang mga hanay.

Iginiit din ni Eleazar na mas marami pa rin ang mga tapat na pulis.
Iginiit din ni Eleazar na mas marami pa rin ang mga tapat na pulis.
ADVERTISEMENT
Nahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo ang dalawang pulis na posibleng ma-dismiss sa serbisyo.

Agad ding ipina-relieve ni Eleazar ang unit commander ng dalawa.

Noong nakaraang linggo, isang pulis na nakatalaga sa Manila Police District ang inireklamo matapos umanong halayin ang isang 15 anyos na babae kapalit ng paglinis sa record ng kaniyang magulang na sangkot sa droga.

--Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT