'Para malinis ang rekord': Pulis 'nanggahasa' ng 15-anyos anak ng drug suspect | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Para malinis ang rekord': Pulis 'nanggahasa' ng 15-anyos anak ng drug suspect

'Para malinis ang rekord': Pulis 'nanggahasa' ng 15-anyos anak ng drug suspect

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 29, 2018 12:18 AM PHT

Clipboard

Galit na galit si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Director Guillermo Eleazar sa isang pulis matapos itong ireklamo ng panggagahasa sa isang 15 anyos na dalagita.

"Yung kalokohan na ginagawa mo kaya tayo nasisira dahil sa iyo,” ani Eleazar.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ayon sa magulang ng bata, pinilit umano ni PO1 Edwardo Valencia ang kanilang anak na si alyas "Betty" na makipagtalik sa kaniya.

Nagpositibo rin sa genital lacerations ang dalagita nang suriin, ayon kay Eleazar.

ADVERTISEMENT

Kapalit nito ay "malilinis" ang pangalan ng ama ni Betty, na may mga akusasyon na may kinalaman sa droga.

Depensa naman ni Valencia, siya ang biktima at sinisira lang ng mga magulang ng bata ang kaniyang reputasyon.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District Station 4 si Valencia.

Si Betty naman ay nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.